6 Significant Lessons After Watching "Para Sa Broken Hearted"



1. Wag ibigay ang lahat! kapag nagmahal ka magtira para sa sarili. 

Jan tayo lagi nadadali, imagine kapag na-inlove ka, lahat ibinibigay mo na. Yung tipong parang wala ng bukas. Oras mo, buhay mo, pati yung bataan mo sinuko mo na kulang na lang isangla mo yung kaluluwa mo sa demonyo para lang sa kanya. Tapos pag-iniwan feeling mo katapusan na ng mundo, hugot dito, hugot dun lahat ng bagay nagagawan mo ng hugot kakaemote mo. Make sure na magtira para sa sarili, para incase na masaktan at iwan kayang maka-move on at maging strong. May friends and family ka naman na nasa likod mo at hindi lang siya ang pwedeng magmahal sayo. Hirap mageffort tapos balewala lang sa kanya sakit kaya nun!


2. Wag matakot magmahal ulit.

Tangina besh, pag-iniwan ka ba at nagbreak kayo ng jowa mo eh ayaw mo na magmahal ulit? At ang pambansang line ng mga babae ay "Puta, Pare-pareho naman kayong mga lalaki" pakyu kayo mga bente. Hindi lahat ng lalaki pare-pareho, magkakaiba lahat at meron din lalaki na naloko at iniwan ng mga jowa nila. Wag isara ang puso para sa panibagong pag-ibig, make sure to learn sa past mistakes mo at wag ng ulitin ang bad habits sa unang relationship. Wag din magpabibo sa social media like maglalaslas ng pulso tapos sabay post #hindikonakayapapakamataynako #mahalparinkita #cryinginside #laslaspulso with matching crying face selfie pa. Mukha ka lang tanga, pakita mong strong ka ta kaya mo na wla siya. Sa dami ng tao sa mundo merong nakalaan para sayo, nasa sayo na lang yan kung ikaw ang hahanap sa kanya or magaantay ka na dumating siya. Pwede din naman na lumandi ka ng konti para mameet mo agad charot. 


3.  Wag Mahiyang sabihin ang nararamdaman mo sa taong mahal mo

Eto yung pakshet na masakit sa movie kagabi. If you really love someone at alam mo namang single wag ng totorpe torpe pa. Kasi besh, laging nasa huli ang pagsisisi. Imagine mo gusto mo siya tapos gusto ka din pala niya para kayong gago na nagaantayan gumawa ng first move, sayang ang time besh imbis na momol time na kayong dalawa ayun nasa sulyap sulyap stages pa lang kayo. Time is precious ika nga, kung natatakot kang mareject, walang mangyayari sayo. Always take the courage to do it, hindi mo malalaman ang sagot kung hindi mo susubukan. Always think positive! Malay mo siya na pla yung forever mo! Gago sa mga nagsasabing walang forever! Pakyu kayo mga bitter!


4. Wag maging tanga sa relationship

Eto ang number one sagot ng mga tanga: Wala eh mahal ko.... Gago alam mo na niloloko ka harap harapan yan pa sagot mo. Lika dito pepektusan kita. Stand straight and at sigawan mo sa mukha ng matauhan. Hirap sa iba, alam mo ng may mali sige ka pa din. Alam mo ng masasaktan ka, go ka pa din. Pagsinabing gusto ng space, kalasin mo yung keyboard ng pc mo tapos ipakain mo sa kanya yung space bar. Pagsinabihan ka ng ganun let go mo agad kasi for sure meron na yang iba. Ulitin ko WAG MAGING TANGA! isa pa? WAG MAGING TANGA! gets mo naman siguro na yan. 


5. Wag pa-fall kung hindi mo naman kayang panindigan ang isang relasyon.

Dito papasok yung mga fuck boy at fuck girl. Ang haharot naiwan lang yung id maglalandian na, magdadate tapos alam na this. Tapos ano pag nakuha na gusto bye bye na? Hindi naman laruan ang feelings, parang flower vase yan na kapag nabasag mahirap na ibalik sa dati. Kahit bumili ka pa ng isang dosenang mighty bond wala na. Make sure na kapag papasok ka sa isang relasyon sabihin mo yung intentions mo. Kung landi lang habol mo sabihin mo agad - " hi ate pwede ka bang landiin" para hindi magexpect si ate girl at alam niya na agad yung intentions mo sa kanya. Mag-iinvest siya ng feelings tapos ikaw lalandi lang, unfair naman yun diba? 


6. Wag Kalimutan Manood ng "Para Sa Broken Hearted" this coming October 3!

Kilala niyo naman si Marcelo Santos III db? Heto na yung isa sa mga libro niya na naging movie na! Maganda yung movie, may kirot at kagat sa puso. Madami kang mapupulot sa kuwento na pwede mo i-apply sa sarili mo. Madaming makakarelate siyempre madaming tanga sa pag-ibig.  Sobrang gagaling ng mga artista. Hindi ko inaasahan na napakagaling at sobrang pogi pala ni Sam Concepcion. Mahusay naman sa drama tong si Shy Carlos at dito ko siya sobrang naappreciate. Napakagaling ni Louise Delos Reyes feel na feel mo yung emotions niya sa buong movie. The best din si Yassi Pressman pero sobrang tagal bago pinakita yung kuwento niya, nahirapan siguro makatakas kay Cardo at kahit ayaw ni Marco Gumabao sa character niya, nagampanan niya ito ng buong puso! Mabuhay ang mga Fuck boy!! charot!


Comments